Duterte: EU hinostage ang bakuna ng AstraZeneca

Gagamitin aniya ng 27 bansa na kasapi ng EU ang Oxford-AstraZeneca COVID-19 vaccine.
AFP/Paul Ellis

MANILA, Philippines — Inakusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang European Union na hinostage ang bakuna ng AstraZeneca upang hindi makakuha ang ibang bansa na hindi kasapi ng kanilang asosasyon.

Sinabi ng Pangulo na nag-adopt ng “new measures” ang EU para hindi makalabas sa ibang bansa ang bakuna.

Gagamitin aniya ng 27 bansa na kasapi ng EU ang Oxford-AstraZeneca COVID-19 vaccine.

Ayon pa sa Pangulo, ang bakuna ay ibinibigay sa United Kingdom simula ngayong buwan at ayon sa artikulong kanyang binasa, makakaiwas sa pag-atake ng nakamamatay na virus ang mga nasa 18 taong gulang.

Inihayag din ni Duterte na ang Pilipinas ay hindi kasing kapangyarihan ng EU at walang koneksiyon.

Sinabi ni Duterte na bagaman at may pera ang Pilipinas na pambili ng bakuna ay naka-standby pa lamang.

Related video:

Show comments