Testing, quarantine protocols sa mga bagong dating sa Pinas binago

MANILA, Philippines — Binago ng Inter-Agency Task Force on Emer-ging Infectious Diseases ang testing at quarantine protocols sa mga Filipino na dumarating sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang pagbabago ay ipatutupad simula sa Pebrero 1 kung saan ang mga darating na pasahero kahit saan pa sila nangga-ling ay agad na dadalhin sa facility-based quarantine. Sasailalim sila sa RT-PCR test makalipas ang limang araw maliban na lamang kung nagpakita ng sintomas ng COVID pagdating kaagad sa bansa.

Kapag negatibo ang resulta ng test ay saka pa lamang eendorso sa local government unit kung saan pupunta ang pasahero at itutuloy ang nalalabi sa 14 na araw ng quarantine na mahigpit na imo-monitor ng LGU.

Taliwas ito sa kasalukuyang protocol na pagdating pa lamang sa airport ng mga pasahero ay agad na isasalang sa swab test.

Show comments