^
Mas mahigpit na protocol sa public transpo, malabo - DOH
Sinabi ni Health Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire na ang pagbubukas ng pampublikong transportasyon ay para mabalanse ang ekonomiya at ang kalusugan ng mga mamamayan.
The STAR/Edd Gumban

Mas mahigpit na protocol sa public transpo, malabo - DOH

(Pilipino Star Ngayon) - January 26, 2021 - 12:00am

Kahit may UK variant na

MANILA, Philippines — Wala pang nakikitang dahilan ang Department of Health (DOH) para magpatupad muli ng mahigpit na panuntunan sa pampublikong transportasyon sa kabila ng banta ng mas nakakahawang UK variant ng COVID-19 na nasa bansa na.

Sinabi ni Health Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire na ang pagbubukas ng pampublikong transportasyon ay para mabalanse ang ekonomiya at ang kalusugan ng mga mamamayan.

Maaari naman umano na hindi mahawa ang mga mananakay ng UK variant o kahit ng normal na uri ng COVID-19 kung mahigpit lamang na susunod sa mga panuntunan at protocols habang dapat rin na mahigpit ang pagpapatupad nito ng mga sangkot na sa­ngay ng pamahalaan. 

“I think enforcement at strict compliance to these different protocols would be the key, hindi natin kailangan isarado uli lahat ng mga iba’t ibang sektor ng ating lipunan kung atin lang masusunod ang mga protocols na meron na tayo sa ngayon,” ayon kay Vergeire.

Sa kabila nito, patuloy ang obserbasyon ng DOH sa mga susunod na araw sa pagkalat ng naturang UK variant kung may mga gagawin silang pagbabago sa mga protocols na ipinatutupad.

COVID-19 VARIANT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with