^
18 UP students patay sa engkuwentro vs NPA
Ayon kay Armed Forces of the Philippines Chief Gen. Gilbert Gapay, nakakalungkot na umaabot na sa 18 UP students na sumanib sa NPA ang napapatay sa engkuwentro ng militar sa mga rebeldeng NPA dahil sa maling paniniwala at adhikain kaya tama lamang na matigil na ang 1989 UP-Department of National Defense Accord.
STAR/File

18 UP students patay sa engkuwentro vs NPA

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Itinuturing ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief Gen. Gilbert Gapay na isang ‘deadly recruitment’ ang ginagawa ng New People’s Army (NPA) sa mga estudyante ng University of the Philippines (UP) na humantong sa pagkamatay ng mga ito dahil sa pakikipaglaban sa militar.

Ayon kay Gapay, nakakalungkot na umaabot na sa 18 UP students na sumanib sa NPA ang napapatay sa engkuwentro ng militar sa mga rebeldeng NPA dahil sa maling paniniwala at adhikain kaya tama lamang na matigil na ang 1989 UP-Department of National Defense Accord.

Suportado ni Gapay ang pagputol at pagpigil sa nasabing kasunduan lalo pa at nagiging recruitment hub ang UP ng mga terorista.

Nagsimula ang agreement noong 1989, panahon ni da­ting Defense secretary Fidel Ramos kung saan ipinagbabawal ang pagpasok ng pulis at militar sa mga UP campus ng walang pahintulot mula sa UP officials.

Sinabi ni Gapay na hindi tamang dinidiktahan ng UP ang pamahalaan partikular sa pagpasok ng militar at sundalo bagama’t mayroon nang warrant of arrest o search warrant mula sa korte.

Naniniwala si Gapay na mas magiging maa­yos at maganda ang samahan ng UP officials at militar kung wala nang mga agreement dahil tututukan ng pamahalaan ang pag-aaral at proteksiyon ng bawat estudyante.

AFP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with