^
Mga buntis itsapwera sa bakuna
Sinabi ni Health Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire na ipinayo ng WHO na huwag munang isama ang mga buntis sa paggamit ng bakuna ng Pfizer-BioNTech.
Edd Gumban/File

Mga buntis itsapwera sa bakuna

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Malaki ang tsansa na hindi maisasama sa ‘vaccination program’ ng pamahalaan ang mga buntis makaraang na hindi irekomenda ito ng World Health Organization (WHO).

Sinabi ni Health Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire na ipinayo ng WHO na huwag munang isama ang mga buntis sa paggamit ng bakuna ng Pfizer-BioNTech.

Pero sinabi ni Vergeire na kokonsulta pa rin sila sa mga eksperto sa larangan ng obstetrics at gynecology upang makakuha ng payo kung magiging masama ang COVID-19 vaccine sa ina at sa kaniyang dinadalang sanggol. “Kami po ay nakikipag-usap ngayon sa society ng obstetrics and gynecology para mahingi po natin ang posisyon nila at malaman kung anong klaseng bakuna ang maaaring maibigay sa mga buntis,” ayon kay Vergeire.

Base pa sa abiso ng WHO, kung ang isang buntis ay may ‘high exposure’ sa mga COVID-19 positive na pas­yente, maaaring ikunsidera na mabigyan siya ng bakuna.

May pag-aaral rin naman ang WHO na ang mga buntis ay mas malaki ang tsansa na makakuha ng malalang uri ng COVID-19 kaysa sa mga hindi buntis.

Bukod dito, may mga pananaliksik din na kung makakuha ng COVID-19 ang isang buntis ay tataas ang panganib ng kaniyang pagdadala sa sanggol at panga­nganak.

BUNTIS DOH WHO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with