^

Kinatawan ng Sinovac, Pfizer iba pa pinadadalo sa Senate hearing ngayon

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaasahang dadalo ngayong araw sa ikatlong pagdinig ng Senado ukol sa vaccine roadmap ng pamahalaan ang kinatawan ng ilang manufacturers ng COVID-19 vaccine tulad ng Pfizer, Sinovac, Sinopharm, at iba pa.

Sa inilabas na abiso ng tanggapan ni Senate President Vicente Sotto III, imbitado ang mga kinatawan ng Sinovac Biotech ng China, Pfizer, Zuellig Pharma, Unilab, at MKG Universal Drugs na siyang exclusive distributor sa Pilipinas ng Sinopharm.

Kinumpirma ng executive director ng MKG na si Eduardo Flojo na dadalo siya sa pagdinig.

Sinabi ni Flojo na sasabihin niya kung ano ang katotohanan sa Sinopharm at nais din niyang malaman kung bakit hindi sila pinapansin ng gobyerno.

Matatandaan na maraming katanungan ang mga senador sa dalawang unang pagdinig sa Sinovac dahil ito ang tinutukoy na pinapaboran ng Malakanyang.

Inaasahang tatanungin sila ng mga senador ukol sa efficacy, presyo at side effects ng kanilang bakuna.

Pinababalik naman ngayong araw sina vaccine czar Carlito Galvez Jr., Health Secretary Francisco Duque III at iba pang mga miyembro ng IATF.

Nag-imbita ring muli ng mga eksperto sa bakuna.

Sa kasalukuyan, ang bakuna ng Pfizer-BioNTech pa lamang ang nabigyan ng emergency use authorization (EUA) ng Food and Drug Administration para magamit sa bansa.

Inaasahang darating ang suplay ng Pfizer sa susunod na buwan, at posible pa umanong mauna sa Sinovac ng China, ayon kay Galvez.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with