^

Bansa

‘Mag-walkout kapag ‘naabuso’ sa Senate hearing’

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
�Mag-walkout kapag �naabuso� sa Senate hearing�
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, na nagpaalam si Galvez sa Pangulo na hindi dadalo sa pagdinig ng Senado sa Biyernes para maipagpatuloy niya ang negosasyon sa vaccine developers.
STAR/Geremy Pintolo, file

Duterte kina Galvez at Duque

MANILA, Philippines — Inatasan umano ni Pangulong Rodrigo Duterte sina vaccine czar Carlito Galvez Jr. at Health Sec. Francisco Duque na tumayo at iwan ang pagdinig sakaling maging “verbally abusive” ang mga senador sa gagawing pagdinig bukas.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, na nagpaalam si Galvez sa Pangulo na hindi dadalo sa pagdinig ng Senado sa Biyernes para maipagpatuloy niya ang negosasyon sa vaccine developers.

Subalit hindi umano pumayag ang Pangulo at sinabihan si Galvez na magtungo sa Senado at ituloy ang pagsagot sa mga katanungan ng mga senador. Ngunit kapag naging mapang-abuso sa pananalita ang mga senador ay tumayo at umalis na lamang.

Pangako rin umano ng Pangulo kay Galvez na kapag na-cite in contempt siya ay mismong si Duterte ang kukuha sa vaccine czar.

“Imbento!”, ayon naman kay Senate President Vicente Sotto III, dahil sa buong siyam na oras umano ng hearing nitong nakaraan ay nandoon siya subalit wala siyang maalala na nang-away sila o nani­gaw ng resource persons dahil tinatrato nila ito na may “tender loving care”.

vuukle comment

SENATE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with