_ngayon
^

Bansa

Telcos pinaghahanda na sa pagtaas ng internet demand

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Telcos pinaghahanda na sa pagtaas ng internet demand
Sa memorandum ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, sa mga susunod na araw tiyak na tataas ang demand sa paggamit ng network dahil maging ang mga Christmas part, get together, year-end party at iba pang pagtitipon para sa holiday season ay virtual na gagawin.
STAR/File

MANILA, Philippines — Inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga telecommunications company (telcos) na lalo pang ayusin ang kanilang serbisyo ngayong papalapit ang Pasko dahil sa inaasahang pagtaas pa ng demand sa internet ng publiko.

Sa memorandum ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, sa mga susunod na araw tiyak na tataas ang demand sa paggamit ng network dahil maging ang mga Christmas part, get together, year-end party at iba pang pagtitipon para sa holiday season ay virtual na gagawin.

Simula sa December 7 hanggang sa January 8, dapat ay mayroon ng “heightened level of emergency preparedness” ang mga telco para masigurong walang magaganap na disruption o downtime sa serbisyo sa internet.

Inatasan din ni Cordoba ang mga telco na madaliin ang kanilang maintenance efforts, taasan ang internet / broadband capacities, at tiyakin ang pagkakaroon ng business continuity.  Hindi rin dapa makalimutan ang pagtitiyak na handa 24/7 ang disaster recovery protocols.

Kamakailan, lumitaw sa pag-aaral ng Ooakla, ang global leader sa mobile at broadband network intelligence technology, na patuloy na bumubuti ang serbisyo ng internet sa bansa.

Ayon sa Ookla, para sa fixed broadband latest report, nakasaad na sa average download speed na 28.69Mbps, umabot sa 262.71% ang increase mula sa dating download speed na 7.91Mbps nitong July 2016.

 

NATIONAL TELECOMMUNICATIONS COMMISSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with