Ligtas na Pasko dahilan ng GCQ sa Metro Manila
Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na iniiwasan nila ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases na magkaroon ng biglang pagdami ng mga kaso ng COVID-19 kung ibababa ang quarantine level lalo na’t nakikita ang paglabas ng mas mara­ming tao sa mga tahanan.
Boy Santos, file

Ligtas na Pasko dahilan ng GCQ sa Metro Manila

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - December 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ang selebrasyon na nakatitiyak na ligtas ang buong pamilya ngayong Pasko ang pangunahing dahilan ng pagpapanatili sa Metro Manila at anim pang delikadong lugar sa ila­lim ng general community quarantine (GCQ), ayon sa Department of Health (DOH).

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na iniiwasan nila ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases na magkaroon ng biglang pagdami ng mga kaso ng COVID-19 kung ibababa ang quarantine level lalo na’t nakikita ang paglabas ng mas mara­ming tao sa mga tahanan.

“The IATF thought it best to maintain it para naman nang sa ganun, if we celebrate the Christmas holidays and the New Year, there should still be a measure of caution,” ayon kay Duque.

Ipinaalala rin niya sa publiko na hindi pa ganap na nakaalpas ang Pilipinas sa COVID-19 at maaaring muling tumaas ang mga araw-araw na kaso kung hindi mag-iingat at susunod sa minimum health standards.

Bukod sa Metro Manila, nanatili sa GCQ ang Batangas, Iloilo City, Tacloban City, Lanao del Sur, Iligan at Davao City.  Inilagay naman sa MGCQ ang ibang bahagi ng bansa.

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with