âFace-to-face classes payagan naâ
Binigyang diin ni Marcos na napag-iiwanan na ang Pilipinas na patuloy na nakasarado ang mga eskwelahan gayong wala namang pruwebang sa mga paaralan nagmula o kumakalat ang virus.
The STAR/Edd Gumban, file

‘Face-to-face classes payagan na’

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - November 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nais ni Sen. Imee Marcos na buksan na sa face-to-face classes ang mga eskwelahang may kakayahang magpatupad ng health protocols kontra sa pagkalat ng COVID-19.

Binigyang diin ni Marcos na napag-iiwanan na ang Pilipinas na patuloy na nakasarado ang mga eskwelahan gayong wala namang pruwebang sa mga paaralan nagmula o kumakalat ang virus.

Kinondena rin ni Marcos ang Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na naging prayoridad at nag-isyu pa ng resolusyon noong Oktubre 15 para buksan na ang mga sabungan kaysa mga eskwelahan.

“Ang mga sugal na ba ngayon ang mas mahalagang aktibidad para sa mga Pinoy at ang edukasyon na ang walang kabuluhang luho?” tanong ni Marcos.

Makakapagtrabaho din aniya ng maayos ang mga magulang o kaya’y makapaghahanap ng trabaho, pagkatapos silang mapilitan na manatili sa bahay para turuan ang mga anak bunsod ng blended learning.

Dapat din aniyang magsilbing babala ang mga napaulat na pagpapakamatay ng ilang kabataan dahil sa hirap ng buhay at hindi naka-adjust sa blended learning, kung saan sila’y napagkaitang magkaroon ng social at peer relationships sa mga paaralan.

CLASS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with