COVID-19 cases sa Pilipinas halos 423,00 habang patay 8,215 na
Nakapila ang mga residenteng ito sa isang COVID-19 "swabbing booth" sa Rosario Maclang Bautista General Hospital, ika-21 ng Abril, 2020, sa Lungsod ng Quezon
The STAR/Michael Varcas, File

COVID-19 cases sa Pilipinas halos 423,00 habang patay 8,215 na

(Philstar.com) - November 25, 2020 - 4:00pm

MANILA, Philippines — Wala pa ring humpay ang bilang ng tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa pagpapatuloy ng community quarantine sa Pilipinas ngayong ika-25 ng Nobyembre.

Meron kasing bagong 1,202 kaso ng sakit na natuklasan ang Department of Health (DOH), dahilan para umabot na ito sa 422,915 ngayong Miyerkules.

Kahit na hindi kataasan ang mga sariwang kaso sa ngayon, walong laboratoryo pa ang hindi nakapagsumite ng kanilang mga datos sa pamahalaan kahapon. Dahil diyan, marami pang nagpositibong hindi naiulat ngayong araw.

Sa mga newly reported COVID-19 cases, pinakamarami sa mga nahawaan ang mga sumusunod na lugar:

  • Davao City (137)
  • Quezon City (68)
  • Batangas (59)
  • Laguna (54)
  • Cavite (47)

Nasa 27,745 naman sa ngayon ang mga active cases sa bansa, bagay na kumakatawan sa mga COVID-19 patients na hindi pa gumagaling o namamatay sa kasalukuyan.

Sumatutal, patay naman na mula sa COVID-19 ang 8,215 katao sa bansa. Mas marami 'yan ng 31 kumpara sa mga bilang na inilabas ng DOH kahapon.

Gayunpaman, 183 naman ang kagagaling lang mula sa kinatatakutang karamdaman habang nasa 386,955 na ang total local recoveries sa bansa.

Tinanggal naman na mula sa total case count ang siyam na duplicates sa ngayon, matapos mapag-alamang walo sa kanila ay gumaling na.

Kaugnay niyan, ni-reclassify naman bilang deaths ang mga naunang naibalitang paggaling ng 12 katao mula sa COVID-19. May naibalita ring isang namatay ngunit sa totoo'y gumaling na.

60-70 milyon vaccinated 'sa loob ng 3-5 years'?

Samantala, kinumpirma naman ni Health Secretary Francisco Duque III na plano ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na mabakunahan ang nasa 60 hanggang 70 milyong Pilipino sa susunod na tatlo hanggang limang taon laban sa COVID-19.

Gayunpaman, kakailanganin daw ng napakalaking halaga para maisakatuparan ang hakbang na ito laban sa deadly pandemic.

"Batay sa ulat ni [Finance] Secretary [Carlos] Dominguez kay Pangulong [Rodrigo Duterte], kinakailangan dito mga P73.2 bilyon for vaccinating 60 million people. That is the population that will be covered," ani Duque.

"'Ang negosasyon ay sinumulan na."

Aniya, may tatong mamamaraan para makalikom ng naturang pondo: multi-lateral loan agreement, bilateral loan agreement at domestic loan.

"[Sa huling nabanggit ko, h]ihiram ng pondo sa ating mga bangko, sa DBP, at tska sa Landbank, and possible other GOCCs and other government financing institutions," patuloy ng DOH secretary.

Pumalo na sa 58.9 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus diease (COVID-19) sa ngayon. Sa bilang na 'yan, halos 1.4 milyon na ang binawian ng buhay ayon sa World Health Organization— James Relativo

DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with