Rep. Duterte magbibitiw sa puwesto sa Kamara

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maugong ang plano umano ni Presidential Son at Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte na magbitiw bilang chairman ng House Committee on Accounts matapos itong mainsulto sa ‘loyalty check’ laban sa kaniya ng ilang kaalyado sa House Majority bloc.

Gayunman, wala pang opisyal na pahayag ang tanggapan ni Pulong at wala pa ring kinukumpirma ang tanggapan ni Speaker Lord Allan Jay Velasco sa nasabing isyu. Hinihintay rin na mag-privelege speech si Pulong at ang sinasabing inihanda nitong ‘resignation letter’.

Noong nakaraang Linggo pa maugong na nagpapaalam na si Pulong kay Velasco ngunit tinatanggihan umano ng huli ang pagbibitiw ng una.

Ang desisyon ni Pulong na iwan ang Accounts Committee ay matapos sabihan ni AAMBIS-OWA Partylist Rep. Sharon Garin si Pulong sa harap ng mga kaalyado nila na “hindi ka naman bumoto kay Velasco pero nagkaroon ka ng pwesto”. Humantong ito sa komosyon at awatan.

Nangyari ito sa kaa-rawan ni Velasco noong Nobyembre 9.

Hindi nagustuhan ni Pulong ang ‘bad joke’ ni Garin at sa viber group ng mga Kongresista ay sinabi nitong didistansya na siya sa ruling majority matapos na rin makuwestiyon ang kanyang loyalty.
Ibinunyag pa ng source na para hilutin si Pulong ay itinalaga pa ni Velasco ang malapit nitong kaibigan na si Appropriations Chairman at ACT-CIS Partylist Rep. Eric Yap na maging vice chairman ng Committee on Accounts.

Aminado naman ang ilang mambabatas na kung tuluyang didistansya si Pulong sa House Majo-rity ay katumbas rin ito ng pagkawala ng suporta ng administrasyon. 

DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with