^

Malunggay sagot sa malnutrisyon

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 15, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Upang matugunan ang problema ng malnutrisyon sa Pilipinas, isinusulong ni Sen. Imee Marcos ang pagtatanim ng malunggay sa ibat-ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay Marcos, 33.4% ng mga bata na may edad limang taon pababa ang malnourished o patpatin.

Dahil na rin sa kakulangan ng nutrisyon kaya napipigilan ang pagtangkad ng mga bata at halos 30% na mas maliit ang utak ng bata sa habambuhay.

Giit ni Marcos, “super food” na maituturing ang malunggay dahil ito ay 50 times na mas maraming B2 kaysa saging, 50 beses na mas maraming vitamin B3 kaysa mani, 36 times Magnesium kaysa itlog, 25 times na mas maraming iron kaysa spinach, 7 times mas maraming vitamins sa oranges, 4 times mas mara­ming calcium kaysa gatas at 4 times na mas maraming vitamin A kaysa carrots at 3 times na mas maraming vitamin B kaysa sa karneng baboy.

IMEE MARCOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with