Laban sa mga bagyong paparating: DDR bill, ipasa na - Bong Go

MANILA, Philippines — Matapos ang pananalasa ng typhoon Quinta at banta ng papasok na bagyong “Rolly”, muling iginiit ni Senator Christopher “Bong” Go ang panawagan niyang lumikha ng Department of Disaster Resilience (DDR) na siyang titiyak sa mas mabilis na responde ng pamahalaan  sa kalamidad at iba pang natural na sakuna sa bansa

“Nitong nagdaang mga araw, maraming mga Pilipino ang nasalanta ng mga bagyo, flashflood, at iba pang mga sakuna, tulad ng bagyong Quinta. Ngayon, meron na namang papasok na bagong bagyo, ang bagyong Rolly, na inaasahan ding magdudulot ng mga pinsala at dagdag hirap sa taumbayan,” ani Go.

Ang Typhoon Rolly ay inaasahang magla-landfall sa Aurora-Quezon ngayong Linggo ng umaga o gabi o sa Lunes ng umaga.

“Taun-taon, nakakaranas tayo ng higit kumulang dalawampung bagyo, at kaakibat din nito ang baha at landslide. Maraming lugar din sa bansa ang nakararanas ng lindol. Bukod nito, kaliwa’t kanan ding may nangyaya­ring sunog sa iba’t ibang parte ng bansa.

Sa rami ng nangyayaring natural disasters at kalamidad sa bansa, sinabi ni Go na panahon na upang maipasa ang panukala niyang Senate Bill 205 na layong lumikha ng DDR.

Ang nasabing departamento ang magiging taga­responde ng gobyerno sa mga nagaganap na natural disasters at calamities, gaya ng bagyo at lindol, kung saan pagsasama-samahin ang mga kinauukulang ahensiya sa ilalim ng iisang bubong.

Sa pamamagitan ng DDR, may agad-agad na matatakbuhan ang publiko para mapagtanungan ng mga impormasyon at mahingan ng tulong sa oras ng kalamidad.

Show comments