Opisina, bahay ng Philippine ambassadors pinalalagyan ng CCTV
Ayon kay Senate Majority leader Juan Miguel Zubiri, hihilingin niya kay Sen. Sonny Angara, chairman ng Committee on Finance na maglaan ng karagdagang budget sa Department of Foreign Affairs (DFA) para sa kanilang CCTV program.
Geremy Pintolo/File
Opisina, bahay ng Philippine ambassadors pinalalagyan ng CCTV
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 31, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Para maiwasan ang mga pang-aabuso tulad ng nangyari sa kasambahay ng ambassador sa Brazil, pinalalagyan ni Senate Majority leader Juan Miguel Zubiri ng mga CCTV cameras ang lahat ng tanggapan at tirahan ng Philippine ambassadors sa buong mundo.

Ayon kay Zubiri, hihilingin niya kay Sen. Sonny Angara, chairman ng Committee on Finance na maglaan ng karagdagang budget sa Department of Foreign Affairs (DFA) para sa kanilang CCTV program.

Idinagdag pa ng senador na, dapat lagyan ng CCTV ang lahat ng parte ng bahay maliban sa kwarto at banyo ng lahat ng ambassadors dahil online na ngayon ang CCTV kaya kapag nagkamali sila ay hindi na ito mabubura pa.

Ang mungkahi ay ginawa ni Zubiri matapos na lumabas ang CCTV footages ni ambassador to Brazil Marichu Mauro na nang-aabuso sa kanyang 51-anyos na kasambahay.

Nilinaw naman niya na hindi na kailangan pang magsagawa ng imbestigasyon ang senador dahil nagsasagawa na nito ang DFA.

Nangako naman si Zubiri na haharangin niya ang appointment ni Mauro sakaling humarap ito sa makapangyarihang Commission on Appointment dahil sa nasabing insidente.

CCTV
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with