Mahabang proseso sa pamimigay ng ayuda pinatatanggal ni Duterte
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - October 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing ma­dali ang pamimigay ng ayuda ng gobyerno na bumabagal aniya dahil sa mga ginawang “propo-sals” na dumadaan pa sa review.

Ayon sa Pangulo, pambili ng pagkain ang ibinibigay na pera ng gobyerno sa mga mahihirap at hindi ito dapat pinatatagal.

Hindi matiyak ni Duterte kung ang mga local government units (LGUs) ang nagpapabagal sa distribusyon ng tulong.

“I don’t know if it’s a local government who’s doing it or the money passed on to the local government to do the distribution or implementation. But ang hindi ko talaga malaman kung saan. I do not know where the fault lies because it’s really something which is obnoxious,” ani Duterte,

Kaugnay nito, inatasan ni Duterte ang Department of Health, Department of Interior and Local Government, mga LGUs at mga barangay na iwasan na ang paggawa ng mga proposals at ibigay kaagad ang tulong sa mga nangangailangan.

Sabi pa ng Pangulo na dapat simplehan ang proseso at iwasan na ang mga proposals na umabot sa ilang buwan bago mapag-aralan.

Iwasan aniya ang delay dahil kung makakatanggap ng reklamo si Duterte ay ididiretso niya ito sa Ombudsman.

 

LGU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with