Probe sa SEA Games hosting bahala ang Kamara – Palasyo
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Ipinapaubaya na ng Malakanyang sa Kamara ang pagpapasya kung iimbestigahan ang umano’y anomalya sa pagho-host ng Pilipinas sa katatapos na 30th Southeast Asian Games.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, na bahala na ang mga kongresista kung iimbestigahan ang kanilang kasamahan na si dating House Speaker at Taguig Congressman Alan Peter Cayetano.

Nilinaw naman ni Roque, na may binuo nang fact-finding investigation ang Ombudsman para dito noon pang nakaraang taon para imbestigahan ang hosting sa 2019 SEA Games.

Matatandaan na si Cayetano ang pinuno sa organizing committee ng SEA Games kung saan umabot sa P6.8 bilyon ang inilaang pondo ng pamahalaan.

Sa kabila nito, umapela si Roque sa mga nagbabalak na mag-imbestiga na huwag naman sanang sirain ang karangalan ng mga atleta at nag-organisa ng SEA Games na nagbigay karangalan sa bansa.

Ang 30th Sea Games umano ay nagpapakita hindi lang ng kagalingan ng mga local na atleta kundi ng katagumpayan sa pagho- host ng isang world class sporting event.

HARRY ROQUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with