Contact tracers higit 35K na
Mer Layson, Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Mahigit na sa 35,000 ang nakuhang contact tracers ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at malapit nang maabot ang target na 50,000.

Sinabi ni DILG Undersecretary at  spokesman Jonathan Malaya na 35,345 na ang na-hire ng DILG at 27,879 na sa mga ito ang sumailalim sa pagsasanay.

Ang mga nasanay ng contract tracers ay nakakalat ngayon sa iba’t ibang local government units sa buong bansa.

Sinabi pa ni Malaya na nasa 65,000 ang nag aplay sa DILG para sa 50,000 na slots.

Inaasahang matatapos sa susunod na linggo ang pagha-hire ng DILG ng mga contact tracers.

DILG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with