Mga negosyo pautangin para makabayad ng 13th month pay
Ito’y sa gitna na rin ng pahayag ng maraming mga kumpanya na mahihirapan silang maibigay ang 13th month pay ng kanilang mga empleyado dahil bago pa lamang silang bumabawi matapos ang malaking pagkalugi ng kanilang mga negosyo.
STAR/ File
Mga negosyo pautangin para makabayad ng 13th month pay
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Upang hindi naman mag-Paskong tuyo ang pamil-ya ng mga empleyado, iminungkahi ni 2ndDistrict Albay Rep. Joey Salceda sa pamahalaan na pautangin ang mga kumpanyang pinadapa ng COVID-19 pandemic upang maibigay ang inaasahang 13th month pay.

Ito’y sa gitna na rin ng pahayag ng maraming mga kumpanya na mahihirapan silang maibigay ang 13th month pay ng kanilang mga empleyado dahil bago pa lamang silang bumabawi matapos ang malaking pagkalugi ng kanilang mga negosyo.

Sinabi ni Salceda na sa pamamagitan ng pautang na mababang tubo at higit na mahabang panahon ng pagbabayad ay hindi mabubulilyaso ang 13th month pay ng mga empleyado lalo na at tradisyon na itong matanggap kaugnay ng pagdiriwang ng Pasko.

Ang panukala ni Salceda ay nakapaloob sa ‘aide memoire’ na isinumite niya sa pamunuan ng Kamara, matapos mapabalitang pinag-aaralan na ngayon ng Department of Labor (DOLE) na hayaan ang ilang kumpanya na huwag magbayad ng naturang obligasyong sa mga manggagawa.

“Hindi kami naniniwalang makakabuti ito sa ekonomiya. Kahit ikinakatwiran ng DOLE na hinahayaan ito sa ‘implementing rules and regulations’ ng PD 851, naniniwala kaming lilikha ito ng kontrobersiyang legal at ‘constitutional’ dahil taliwas ito sa isinasaad ng batas,” katwiran ni Salceda. 

COVID19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with