PNP nagdeploy ng bagong Anti-Terrorism unit
Ito ang sinabi ni PNP Chief, Gen. Camilo Pancratius Cascolan na binuo mula sa restructuring ng PNP Intelligence Group at katuwang nito ang Special Action Force (SAF) bilang operating unit.
STAR/ File
PNP nagdeploy ng bagong Anti-Terrorism unit
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - October 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dineploy na ng Philippine National Police (PNP) ang bagong anti-terrorism unit sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ito ang sinabi ni PNP Chief, Gen. Camilo Pancratius Cascolan na binuo mula sa restructuring ng PNP Intelligence Group   at katuwang nito ang Special Action Force (SAF) bilang operating unit.

Ayon kay Cascolan, ang bagong PNP Task Force ay pangungunahan ng Intelligence Group habang sa operation ang SAF bunsod ng principle na deploy-refresh-retrain-redeploy.

Katuwang din ng PNP ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa laban kontra terorismo.

Paliwanag ni Cascolan, ang kanilang pinalakas na intelligence operations kontra sa mga terorista ang dahilan ng sunud-sunod na pagka-aresto sa mga high value targets.

Kabilang dito ang pagkaaresto kamakailan sa recruiter ng Dawlah Isla­miyah sa Quezon City at sa kanang kamay ni ASG leader Mundi Sawadjaan sa Zamboanga City.

Ang pagbuo ng anti-terror unit ng PNP ay kasunod ng pagkakapasa kamakailan ng Anti-terro-rism law.

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with