Healthcare service tiniyak kahit lusawin ang PhilHealth
MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ng Department of Health (DOH) ang patuloy na pagbibigay ng ‘healthcare service’ ng pamahalaan sa publiko sakaling matuloy ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na lusawin na ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa online media forum kahapon na nasa ilalim ng kapangyarihan ng Pangulo ang pagbuwag o pagsasapribado ng PhilHealth.
Kung mangyayari ito ay tutugon naman umano ang gobyerno para mapunan ang magiging kawalan ng PhilHealth pagdating sa serbisyong pangkalusugan.
Sa ngayon, kailangan pa munang maghintay sa magiging pag-aaral ng Office of the President at sa ibabang desisyon ukol sa estado ng PhilHealth.
- Latest