^

Bansa

Outbreak ng African swine naitala sa 6 lalawigan – DA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Outbreak ng African swine naitala sa 6 lalawigan � DA
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, ang new ASF outbreaks ay naitala sa mga lalawigan ng Albay, Laguna, Quirino, Batangas, Quezon at Cavite.
AFP

MANILA, Philippines — Nagkaroon ng bagong outbreak ng African Swine Fever (ASF)  sa mga alagaing baboy sa anim na lalawigan.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, ang new ASF outbreaks ay naitala sa mga lalawigan ng Albay, Laguna, Quirino, Batangas, Quezon at Cavite.

Sa record ng DA, nitong July 31 ay nakapagtala sila ng 316,637 alagaing hayop na isinailalim sa culling sa 28 lalawigan, 9 na rehiyon at 262 lungsod at bayan at 1,119 barangays.

Upang mapigilan anya ang paglawak ng pinsala ng ASF, ang pamahalaan ay nagpatupad ng striktong protocols sa galaw ng mga pork products at live swines gayundin ang pagpapatupad ng surveillance, containment, quarantine, at culling sa mga lugar na napatunayang may ASF.

Sinabi ni Secretary Dar na upang maibsan ang epektong dulot ng virus sa mga hog raisers, ang ahensiya ay nagkakaloob ng  P5,000 ayudang pinansiyal kada baboy na isusurender ng may-ari para isailalim sa culling.

Dulot ng ASF, inaasahan ng DA na magkakaroon ng 31 araw na kakulangan sa suplay ng baboy sa pagtatapos ng taong ito.

Nilinaw naman ng DA na ang ASF ay hindi nakakahawa sa mga tao.

vuukle comment

ASF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with