1 meter distancing sa PUVs mananatili - Duterte
“Uulitin ko po ang desisyon ng ating Presidente ay panatilihin po muna ang one-meter social distan­cing sa mga pampublikong transportasyon na sasamahan din ng pagsuot ng mask, ng face shield, bawal po ang salita at bawal po ang pagkain at pagsasanitize po ng mga pampublikong transportasyon,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque Roque.
The STAR/Michael Varcas
1 meter distancing sa PUVs mananatili - Duterte
Angie dela Cruz, Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - September 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinapanatili ni Pa­­ngulong Rodrigo Duterte ang one-meter physical distancing ng mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nagdesisyon na ang Pangulo kasunod ng naging rekomendasyon ng Inter-Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) at matapos timbangin ang iba’t ibang posis­yon ng mga eksperto.

Bukod sa pagpapa­natili ng isang metrong distansya, mandatory rin ang pagsusuot ng mga pasahero ng face mask, face shield at bawal ang pagsasalita o paggamit ng cellphone.

Bawal din ang pagsasalita at pagkain at kailangang i-sanitize ang mga pampublikong transportasyon.

“Uulitin ko po ang desisyon ng ating Presidente ay panatilihin po muna ang one-meter social distan­cing sa mga pampublikong transportasyon na sasamahan din ng pagsuot ng mask, ng face shield, bawal po ang salita at bawal po ang pagkain at pagsasanitize po ng mga pampublikong transportasyon,” ani Roque.

Inihayag naman ng Department of Transportation (DOTr) na susundin ang utos ng Pangulo.

Matatandaan na mula sa 1 metrong distansiya ay ginawang 0.75 metro ng DOTr ang distansiya ng mga pasahero pero agad ding sinuspindi at hinintay ang desisyon ng Pangulo sa isyu.

Una nang nirekomenda ng mga UP experts na huwag ibababa sa  1 meter ang physical distancing sa PUVs dahil lalong dadami ang kaso ng COVID-19.

Pero sinabi ni Tugade na ang naging desisyon na bawasan ang social distancing ay produkto ng pag-aaral ng Philippine National Railways at marami na anyang bansa ang nagbawas ng physical distance mula one meter pababa.

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with