1 meter distancing sa PUVs mananatili
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na isinulong ni Transportation Sec. Arthur Tugade sa meeting ng Inter-Agency Task Force (IATF) na manatili sa “one meter rule” ang physical distancing habang wala pang desisyon ang Pa-ngulo kung maaari na itong maibaba sa 0.75 metro na lamang.
Ernie Peñaredondo
1 meter distancing sa PUVs mananatili
Mer Layson, Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Balik muna sa isang metrong distansiya ang mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan hangga’t wala pang desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na isinulong ni Transportation Sec. Arthur Tugade sa meeting ng Inter-Agency Task Force (IATF) na manatili sa “one meter rule” ang physical distancing habang wala pang desisyon ang Pa-ngulo kung maaari na itong maibaba sa 0.75 metro na lamang.

“Balik 1-meter distan-cing po muna tayo sa pampublikong transportasyon habang wala pa pong desisyon ang Presidente kung pupuwede itong maibaba sa 0.75 meters,” ayon kay Roque.

Nauna rito, nagpasya ang DOTr na unti-unti nang magpatupad ng mas maliit na distansiya sa pagitan ng mga pasahero simula noong Setyembre 14 upang pataasin ang passenger capacity ng mga public utility vehicles (PUVs) kabilang ang apat na railway lines sa Metro Manila.

Pero tinutulan ito ng 17 Metro mayors at ilang medical experts dahil sa pangambang mas tumaas pa ang bilang ng magkakaroon ng COVID-19.

Nagkaroon din nang pagsalungat dito sina Health Secretary Francisco Duque III at DILG Secretary Eduardo Año at kanilang kinontra ang DOTr.

Idinepensa naman ni Tugade ang desisyon na bawasan ang social distancing sa public transport, at iginiit na ito’y pro­dukto ng research at simulation ng Philippine National Railways (PNR).

Inaasahan namang maglalabas ng desisyon hinggil dito ang Pangulo sa Lunes.

Related video:

HARRY ROQUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with