Petisyon sa free mass testing ibinasura ng SC
Sa desisyong ibinaba ng SC en banc, ikinatwiran nito na nabigo ang mga nagpetisyon na patunayan na karapat-dapat sila na maisyuhan ng “writ of mandamus”.
Philstar.com/Irish Lising, file
Petisyon sa free mass testing ibinasura ng SC
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ng isang grupo ng health advocates na naglalayong pilitin ang pamahalaan na magsagawa ng libreng COVID-19 mass testing.

Sa desisyong ibinaba ng SC en banc, ikinatwiran nito na nabigo ang mga nagpetisyon na patunayan na karapat-dapat sila na maisyuhan ng “writ of mandamus”.

Ang “writ of mandamus” ay inilalabas upang atasan ang isang “tribunal, corporation, board, officer or person to perform an unlawfully neg­lected duty.”

Dahil hindi napatuna­yan na nabigo ang executive branch na ipatupad ang responsibilidad nito, walang awtoridad ang korte na maglabas ng “writ of mandamus”.

Hindi rin umano gumawa ng paraan ang mga nagpetisyon na lumapit muna sa mga ahensya ng pamahalaan para sa kanilang panawagan bago dumiretso sa Korte Suprema.

MASS TESTING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with