Sotto nagbanta sa mga ahensiyang dinedma ang Senate report vs PhilHealth anomaly
Babala ni Senate President Vicente Sotto na kapag binalewala ng ilang ahensiya ang Senate report ay babalewalain din nila ang budget ng mga ito para sa susunod na taon.
STAR/File
Sotto nagbanta sa mga ahensiyang dinedma ang Senate report vs PhilHealth anomaly
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagbanta si Senate President Vicente Sotto III na gagamitin ang kanilang “power of the purse” sa mga ahensiya ng gobyerno na bigong kilalanin ang rekomendasyon ng Senado na sampahan ng kaso ang mga sangkot sa umano’y katiwalian sa Philippine Health Insu­rance Corp. (PhilHealth).

Babala ni Sotto na kapag binalewala ng ilang ahensiya ang Senate report ay babalewalain din nila ang budget ng mga ito para sa susunod na taon.

Ang banta ni Sotto ay matapos hindi makasama ang mga pangalan ng inirekomendang kasuhan sa sasampahan ng kaso ng ilang ahensiya kabilang dito ang National Bureau of Investigation (NBI).

Iginiit pa ni Sotto na mahigpit nilang bubusisiin ang mga budget ng mga ahensya ng gobyerno para sa 2021 dahil ito lang ang natitira nilang kapangyarihan kapag hindi iginalang ang Senate report nila tungkol sa anomalya sa PhilHealth.

Bagama’t binigyan naman ng kopya ng Senado ang Department of Justice Inter-agency task force ng kanilang findings ay hindi nito inirekomendang kasuhan si Health Sec. Francisco Duque na ex-official chairman ng PhilHealth board.

PHILHEALTH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with