Oras ng negosyo ’wag sabay-sabay
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 17, 2020 - 12:00am

Para iwas siksikan sa PUVs

MANILA, Philippines — Ipinanukala ng isang opisyal ng Philippine College of Physician (PCP) sa pamahalaan na magpatupad ng ‘staggered’ o hindi sabay-sabay na pagbubukas ng mga negosyo upang hindi magsiksikan ang mga empleyado sa mga pampublikong sasakyan sa parehong mga oras.

Sinabi ni Dr. Maricar Limpin, vice-president ng PCP na maaaring pakiusapan ng pamahalaan ang mga negosyo na huwag magsabay-sabay ng pagbubukas o oras ng trabaho para maiwasan ang tinatawag na “rush hours”.

Sa pamamagitan nito, makakaya rin umanong maipatupad ang isang metrong physical distancing sa mga pampublikong sasakyan dahil sa mas kakaunti ang pasahero sa bawat oras. Maaari umano na hindi na rin ipatupad ang pagbabawas sa physical distan­cing sa .75 metro.

Kasunod nito, nanawagan rin si Limpin sa publiko na huwag masyadong umasa sa bakuna na nililikha ng ibang bansa kontra sa COVID dahil sa kasalukuyang may nakikita pang ‘side effects’ ang mga eksperto. Importante umano na magtagpo ang pagiging epektibo ng bakuna sa pagiging ligtas nito.

PUVS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with