Kaso ng COVID-19 sa 'Pinas sumipa sa 272,934, bagong pasyente nasa 3,550
Naghahanda ang mga healthcare workers na ito sa Baranggay Pasadena sa Lungsod ng San Juan bago magsagawa ng swab testing, ika-6 ng Mayo, 2020
The STAR/Michael Varcas, File
Kaso ng COVID-19 sa 'Pinas sumipa sa 272,934, bagong pasyente nasa 3,550
James Relativo (Philstar.com) - September 16, 2020 - 4:00pm

MANILA, Philippines — Walang-patid pa rin ang pagpasok ng mga bagong kumpirmang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa kalagitnaan ng ika-27 linggo ng mga community quarantine laban sa pandemya.

Sa ulat ng Department of Health (DOH), Miyerkules, sumampa na ang kabuuang viral infections sa 272,934 — bagay na mas marami nang 3,550 kumpara sa mga datos kahapon.

'Yan ay matapos makapagsagawa ng COVID-19 tests sa lagpas 3 milyong mamamayan, bagay na labis na ipinagmamalaki ni presidential spokesperson Harry Roque. Pitong laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng resulta ngayong araw.

Basahin: 'Best in Asia': Malacañang binigyan ng 85 na grado ang sariling COVID-19 response

"There were 23 duplicates that were removed from the total case count. Of these, 9 recovered cases have been removed," sambit ng DOH sa isang pahayag.

"Moreover, there were nine (9) cases that were previously reported as recovered but after final validation, they were deaths."

Karamihan sa mga newly-reported cases ay galing sa mga sumusunod na lugar:

  • National Capital Region (1,459)
  • Rizal (271)
  • Cavite (196)
  • Bulacan (172)
  • Laguna (172)

Pero kung iaawas diyan ang mga gumaling at namatay na sa nasabing virus, 60,344 na lang ang matitira. Ito ang tunay na mahalagang datos pagdating sa mga may sakit pa rin ngayon, na kung tawagin ay "active cases."

Samantala, 4,732 kaso naman na sa bansa ang tuluyang binawian ng buhay sanhi ng virus galing Wuhan, China. Mas marami 'yan nang 69 kumpara sa naibalita kahapon.

Pero sa kabutihang-palad, higit na mas marami pa rin ang nagre-recover sa COVID-19 sa bansa, na pumapatak na sa 207,858 sa ngayon.

Pagtaas ng mga kaso, clustering

Kanina lang nang sabihin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na naitala ang mas maraming cases nitong mga nagdaang araw sa CALABARZON, Bulacan at Northern Luzon dahil sa iba't ibang salik — kabilang na riyan ang late reporting ng ilang laboratoryo.

"Itong mga increase natin, kailangan nating maintindihan. Hindi lang ito backlogs, hindi lang ito 'yung mga sinubmit ng mga laboratoryo na hindi nakapag-submit for the past days," wika ni Vergeire sa mga reporters.

"This is a mix of both those who have had missed submitting their timely report... and also those who are regularly submits everyday."

Giit ng DOH, repleksyon pa rin naman daw ng isinasagawang "expanded testing," "active surveillance" at mas episiyenteng contact tracing ng pamahalaan ang case surges sa mga nasabing lugar. 

Aniya, dati ay 45% lang ng contacts ang nahahanap ngunit naitaas na raw ito sa 70%. Patuloy din naman daw silang nakakakita ng community transmission ng COVID-19 sa ngayon, kasabay ng dagdag na limang bagong clusters sa Region IV-A at ilan pa sa Region III sa Bulacan.

"Nakita natin na itong clustering... talagang ito maa-attribute din natin sa pagdami rin ng kaso," patuloy ni Vergeire.

Samantala, sinabi naman ni Metro Manila Council chairperson at Parañaque Mayor Edwin Olivarez na papalagan na ng NCR mayors ang utos ng Department of Transportation (DOTr) kung patuloy nitong ipatutupad ang pagbabawas ng physical distancing sa loob ng mga pampublikong sasakyan.

Matatandaang inaprubahan kasi 'yan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa layuning maparami ang mga nakakabiyahe kahit na nasa gitna ng pandemya ang Kamaynilaan.

"Tingin ng Metro Manila Council, hindi pwedeng i-sacrifice ang health protocols, kailangan ang physical distancing... Definitely, 'yung 0.5 at 0.3 (meter), palagay ko kaming 17 mayors ay mag-oobject," ani Olivarez sa isang online forum.

Reklamo niya, hindi raw kasi kinonsulta ng DOTr ang sari-saring alkalde ng punong rehiyon bago ito ipinatupad, bagay na maaari raw maglagay sa mga komyuter sa mas malaking panganib.

May kinalaman: 'Social distancing' sa public transpo babawasan mula Lunes, pasahero dadami

Kasalukuyang nasa 29.15 milyon milyon na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa taya ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, 926,544 na ang namamatay.

DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with