3 hakbang sa istriktong mask-wearing policy, inilatag ni Sen. Go

MANILA, Philippines — Inilatag ni Senator Christopher “Bong” Go ang tatlong hakbang na kailangan sa istriktong pagpapatupad ng polisiya sa pagsusuot ng face mask sa gitna ng COVID-19 pandemic at ito ay ang “Bayanihan, suporta sa kabuhayan ng mga kababayan, at malasakit sa mga mahihirap at pinakanangangailangan.”

Kaugnay nito, umapela si Go sa Executive department na tiyakin ang pagtutulungan ng public at private sectors sa promosyon ng pag-iimplementa ng mahigpit na mask-wearing policy, pagsuporta sa local industries na gumagawa ng face masks, at pagtiyak ng gobyerno na mabibigyan ng masks ang mahihirap at vulnerable sectors na walang kakayahang bumili nito.

Iginiit din niya sa pamahalaan na mag-estabilisa ng mga panuntunan para sa paggawa at pamamahagi ng masks kasunod ng naunang implementasyon ng programa na pamimigay ng libreng locally-made masks sa poorest of the poor at sa most vulnerable households.

Pinaalalahanan din naman niya ang publiko na ang pagsuot ng mask ay pangunahing paraan upang proteksyunan ang sarili at bilang pagrespeto o pagbibigay konsiderasyon rin sa kapwa tao.

Huwag aniyang balewalain ang simpleng patakaran na ito na makakapagligtas ng buhay ng kapwa natin Pilipino.

Show comments