Basura ibinalik na sa South Korea
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 14, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maituturing umano na tagumpay ng Pilipinas ang pagpapabalik sa South Korea ng mga basurang iligal na ipinasok sa bansa noong Hulyo 21 at Oktubre 21,2018.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, dapat din saluduhan ang Bureau of Customs (BOC) Collection District X na nagpursige para maibalik sa South Korea ang mga basura.

Idinagdag pa ni Andanar na hindi lamang ito tagumpay pagdating sa environmental justice, subalit maging sa medical at health justice sa bawat Filipino.

Ang nasabing mga basura umano ay hazardous materials na itinapon dito sa Pilipinas na posibleng makaapekto sa milyun-milyong Pinoy.

SOUTH KOREA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with