‘Dear Teacher’ letter writing inilunsad ng PHLPost

MANILA, Philippines — Inilunsad ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) sa tulong ng Department of Education (DepEd) ang “Dear Teacher” Letter Writing program via online, bilang paggunita sa pagdiriwang ng buwan ng mga guro ngayong Setyembre.

Sa pamamagitan ng #nationalteachersmonth at #thankyouteachers itinatampok ng PHLPost sa tulong ng DepEd at Metrobank Foundation Inc. ang kahalagahan ng pagtuturo ng pagsusulat ng tamang liham pakikipagkaibigan, pagpapahalaga sa kapwa at pamilya at pagmamahal sa bayan.

Habang nananatili ang mga kabataan sa kanilang mga bahay ngayong pandemya, isinusulong ng PHLPost sa mga mag-aaral ang sining ng pagsusulat ng “simpleng liham ng pasasalamat” para sa mga guro sa pamamagitan ng Salamat Po (Thank You) Letter Writing Advocacy Program na taunang ginagawa ng ahensya.

Binibigyang parangal ng PHLPost ang mga magigi­ting na guro ng paaralan sa lahat ng sakripisyo, kaalaman at gabay na ibinahagi nila sa mga kabataang mag-aaral.

Maaaring ipadala ang mga sulat sa pamamagitan ng email sa salamatpo.phlpost@gmail.com o sa pamamagitan ng Facebook sa @salamatpoletterwriting.

Show comments