Ika-80 Malasakit Center binuksan sa Koronadal City

MANILA, Philippines — Sinaksihan ni Senator Christopher “Bong” Go bilang guest of honor ang virtual launch ng ika-80 Malasakit Center sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City, South Cotabato.

Ang Malasakit Center ay one-stop shops kung saan may opisina ang mga ahensiya ng gobyerno na may programa sa pamamahagi ng financial at medical assistance sa mga pasyenteng Filipino, lalo na sa mahihirap at indigents.

Ang mga ahensiyang ito ay ang Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Health Insurance Corporation at Philippine Charity Sweepstakes Office.

“Lapitan ninyo lang ang Malasakit Centers para sa mga pangangailangan ninyong pangkalusugan. Pera ninyo po ito. Ibinabalik lang sa inyo sa pamamagitan ng mabilis, maayos at maaasahang serbisyo,” sabi ni Go.

Ang pagbubukas ng pinakabago o ika-80 Malasakit Center ay pang-20 na sa Mindanao.

Show comments