3 milyong manggagawa apektado ng COVID-19

nabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nitong Hulyo 5, nasa 2.7 milyon ang naitala nilang manggagawa na apektado ng pandem­ya ngunit dahil sa patuloy na pagdami ng mga kaso ng COVID-19 at implementasyon ng quarantine protocols ay nadagdagan pa ito.
STAR/File

MANILA, Philippines — Umakyat na sa tatlong milyong Pilipinong manggagawa ang apek­tado ng pandemya dahil sa paghina ng ekono-miya dulot ng ipinatutupad na quarantine upang masawata ang pagkalat ng virus.

Sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nitong Hulyo 5, nasa 2.7 milyon ang naitala nilang manggagawa na apektado ng pandem­ya ngunit dahil sa patuloy na pagdami ng mga kaso ng COVID-19 at implementasyon ng quarantine protocols ay nadagdagan pa ito.

Nilinaw ni Labor Se-cretary Silvestre Bello na sa tatlong milyon, nasa 1.9 milyon ang apektado sa dahilang napuwersa silang sumailalim sa ‘fle-xible working condition’ bilang bahagi ng pagtiti-pid at pag-iingat ng mga kumpanya.

Nasa 1.2-M mangga­gawa naman ang pansamantalang nawalan ng trabaho dahil sa napilitan muna ang maraming kumpanya na pansamantalang magsara o magbaba ng gastos.

Inamin din ng kalihim na libu-libong kumpanya na ang nagpasabi sa kanila na magsasara ngunit marami rin sa kanila ang pansamantala lamang hanggang hindi natatapos ang pandem-ya.

Show comments