50% ng public school classrooms sa NCR gagawing quarantine facilities
MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Malacañang na pansamantalang gagawing quarantine facilities para sa COVID-19 patients ang nasa 50% ng mga public school classrooms sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, napagkasunduan ito ng Department of Education at Department of Health.
Bagaman at magsisimula na ang klase sa mga pampublikong eskuwelahan ngayong Agosto, hindi pa rin magkakaroon ng face-to-face na klase.
Itinakda ang face-to-face na klase sa Enero 2021 kung magkakaroon na ng vaccine o gamot laban sa COVID-19.
- Latest