^

Bansa

Duterte unang magpapabakuna handang pag-eksperimentuhan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Duterte unang magpapabakuna handang pag-eksperimentuhan
“Ako, pagdating ng bakuna, in public, para walang satsat diyan, in public magpa-injection ako. Ako ‘yung maunang ma-eksperimentuhan. Okay para sa akin,” ani Pangulong Duterte sa kanyang national address.
Karl Norman Alonzo/Presidential photo

MANILA, Philippines — Inanunsiyo kahapon ni Russian President Vladimir Putin na nakapagdebelop na ang Russia ng bakuna na may “sustainable immunity” laban sa COVID-19.

“This morning, for the first time in the world, a vaccine against the new coronavirus was registered in Russia,” pahayag ni Putin.

Kasabay nito, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakahanda siyang maunang magpabakuna ng COVID-19 vaccine mula sa Russia kapag dumating na ito sa Pilipinas.

“Ako, pagdating ng bakuna, in public, para walang satsat diyan, in public magpa-injection ako. Ako ‘yung maunang ma-eksperimentuhan. Okay para sa akin,” ani Duterte sa kanyang national address.

Sinabi ni Duterte na masaya siya na kaibigan ng Pilipinas ang Russia na handang magbigay ng bakuna.

Wala rin aniyang sinabi ang Russia na kaila­ngang bayaran ng Pilipinas ang ibibigay na vaccine. Sa tingin ng Pangulo ay tulong ni Putin ang ibibigay na vaccine na kakausapin niya tungkol sa suplay.

Kailangan aniya ang mga volunteers upang makita ang reaksiyon ng vaccine sa katawan at isa siya sa mauunang magpabakuna.

Hiniling din ni Duterte sa mga mamamayan na maghintay-hintay lang at posibleng sa Disyembre ay mayroon  ng bakuna. Magiging masaya aniya ang Christmas season kapag wala ng COVID-19 sa Disyembre.

Dagdag pa ng Pangulo na may sulat na siya kay Putin na pipirmahan na lang niya kung saan lubos niya itong pinapasalamatan.

Related video:

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with