Sen. Revilla positibo sa COVID-19
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - August 10, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagpositibo sa COVID-19 si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr.

Ayon kay Revilla, sumailalim siya sa test matapos na isa sa kasama nila sa bahay at staff ang nagpositibo sa nasabing virus.

Idinagdag pa ng senador na nagpunta siya sa Senado noong Martes sa ika-40 araw ng kamatayan ng kanyang ama na si dating Sen. Ramon Revilla Sr.

Kaagad naman umanong sumailalim sa self qua­rantine ang senador base na rin sa payo ng kanyang doktor habang patuloy pa rin siyang minomonitor nito.

Negatibo naman umano sa nasabing virus ang kanyang asawa at mga anak.

RAMON “BONG” REVILLA JR.
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with