Go kay Pangulong Duterte: Task Force likhain vs PhilHealth ‘mafia’
MANILA, Philippines — Inirekomenda ni Senador Bong Go kay Pangulong Rodrigo Duterte na lumikha ng isang task force na siyang tututok sa mga katiwalian sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).
Sinabi ni Go, na ang task force ay dapat pamunuan ng Department of Justice (DOJ) at susuportahan ng Office of the Ombudsman, Commission on Audit, Office of the Executive Secretary at maging ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).
Sa tingin ng senador, maaaring ang task force ang siyang makakagamot sa mga katiwalian sa PhilHealth.
Kaya para matuldukan umano ang maling paggamit ng pondo ng ahensiya ay kailangan na ang “whole government approach” at hindi dapat sa ahensiya lamang iasa ang paglilinis ng kanilang tanggapan.
Pinuna pa ni Go na halos taun-taon na lang ay iniimbestigahan ang PhilHealth dahil sa mga alegasyon ng korapsyon at ilang beses na rin nagpalit ng namumuno.
Dapat umanong masi-guro na kahit piso ay hindi nananakaw sa ahensiya dahil pera ng taumbayan ang bumubuhay dito.
Matapos umano ang PhilHealth ay maaari na rin imbestigahan ng task force ang iba pang ahensiya na laging pinagdudu-dahan sa isyu ng korapsyon.
- Latest