Medical workers sa probinsiya itatalaga sa Metro Manila
MANILA, Philippines — Kukunin ng Department of Health (DOH) ang serbisyo ng mga medical health workers sa mga probinsya para tumulong sa mga pagamutan sa Metro Manila.
“Kailangan natin gumawa ng substitution team para makapagpahinga ang mga kapatid natin na health workers sa NCR. Kausap po namin ang aming regional offices, at may darating na health workers [from other regions] dito sa NCR para tumulong,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kahapon.
Samantala, plano naman ng DPWH na magtayo pa ng dagdag na 23 quarantine facilities ngayong Agosto para sa mga ‘mild cases’ upang ang mga ‘severe at critical’ na pasyente na lamang ang aalalahanin ng mga pagamutan.
Sinabi ni Secretary Mark Villar na itatayo ang isolation at quarantine facilities sa Quezon City; apat sa Pasay City; dalawa sa Pateros; at tig-isa sa Maynila, Marikina City, Parañaque City, Makati City, Valenzuela City, Caloocan City, Muntinlupa City, Malabon City at Navotas City.
- Latest