âTime out munaâ - health workers
“Kung kami po ay napapagod na, huwag niyong hintayin na bumagsak lahat kami. ‘Pag bumagsak lahat kami papaano na po ang mamamayang Pilipino?”, paha­yag ni Maricar Limpin, Vice President ng Philippine College of Physicians.
Walter Bollozos, file
‘Time out muna’ - health workers
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - August 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umapela kahapon ang mga health workers sa hiling na muling ipatupad ng pamahalaan ang enhanced community quarantine (ECQ) para mapigilan ang patuloy na pagdagsa ng mga pas­yenteng tinatamaan ng COVID-19 na maaring magresulta sa pagkaparalisa ng mga ospital at iba pang health facilities sa bansa.

“Kung kami po ay napapagod na, huwag niyong hintayin na bumagsak lahat kami. ‘Pag bumagsak lahat kami papaano na po ang mamamayang Pilipino?”, paha­yag ni Maricar Limpin, Vice President ng Philippine College of Physicians.

Iginiit ni Dr. Limpin na dapat sila ang pakinggan ng gobyerno dahil sila ang mga sundalo sa giyerang ito laban sa COVID-19.

Aniya, malaki pa rin ang problema sa umiiral na preventive measures partikular sa paggamit ng mask at paghuhugas ng kamay na mangilan-ngilan lang aniya ang gumagawa.

Hiniling din niya na madagdagan pa ang health care workforce dahil marami na rin ang nagkakasakit na tinatamaan ng virus at nalalagasan na rin sila.

“.. in fact kami din po ay nalalagasan, nakikita din po namin na may mga namamatay na naman. hindi lang ito physicial exhaustion kundi mentally, kami ay napapagod na rin,” ani pa ni Dr. Limpin.

Pangamba pa  aniya ng kanilang hanay ang prononuncement na ibubukas pa ’yung iba pang establisimyento, gayung napakarami pa umano ang nagkakaroon ng COVID-19 at patuloy pa sa paglobo.

Apela pa niya, na  da­pat ding magtalaga ng isang ahensiya lang ang pamahalaan na mangu­nguna sa paglaban sa COVID-19 na walang iba kundi ang Department of Health (DOH).

Nakasuporta aniya, sila sa DOH bilang mga sundalo kaya dapat ang DOH ang mamuno sa giyerang ito.

ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with