MECQ posibleng ibalik sa Metro Manila

“Yes, a reversion to MECQ or a more stringent quarantine is possible. I hope it will not happen though,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.
The STAR/Edd Gumban, file

‘Pag umabot sa 85K ang COVID-19 cases sa Hulyo 31

MANILA, Philippines — Posibleng ibalik sa mas mahigpit na modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila kung aabot sa 85,000 ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa sa Hulyo 31, gaya ng pagtaya ng University of the Philippines (UP) experts.

“Yes, a reversion to MECQ or a more stringent quarantine is possible. I hope it will not happen though,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.

Sa ngayon ay nananatili sa general community quarantine ang Metro Manila na tatagal hanggang Hulyo 31.

Matatandaan na ilang beses na sinabi ng Ma­lacañang na maha­la­gang mabuksan ang eko­nomiya upang hindi ma­gutom ang maraming ma­mamayan.

Sinabi rin ni Roque na baka hindi na kayanin pa ng ekonomiya kung muling magsasara ang maraming negosyo na nabuksan dahil sa GCQ.

Nagpahayag muli ng pag-asa si Roque na susunod ang lahat sa mga ipinatutupad na mga health protocols katulad ng pagsusuot ng face mask at social distancing.

Muling iaanunsiyo ng Palasyo ang magi­ging pagbabago sa community quarantine bago sumapit ang Agosto 1.

Show comments