^

Bansa

Disenyo ng mga quarantine facilities babaguhin

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakatakdang baguhin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang disenyo ng mga itinatayong quarantine facilities para sa mga pasyente ng COVID-19 makaraang marami umano ang tumangging magtungo dito dahil sa takot na lalong lumubha ang kanilang kundisyon.

Sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar na titiyakin nila na sa bagong modelo ay hindi magkakaroon ng transmisyon ng virus na pinangangambahan ng mga pasyente na may mild na kaso o asymptomatic.

Kabilang sa pagbabago ang pagtatanggal na ng ‘common areas’ at pagkakaroon na ng hiwa-hiwalay na kuwarto para sa mga pasyente na may sariling palikuran.

“Yung iba may aircon, kaya isolated talaga ang unit,” ayon kay Villar. “Sa bagong model, fully functional”.

Sinabi naman niya na hindi pagsasamahin sa isang pasilidad ang mga suspected lamang na may virus at sa mga kumpirmado nang kaso.

Ipaprayoridad ng DPWH sa pagtatayo ng mga bagong quarantine facilities ang mga lugar na may maraming naitatalang kaso ng COVID.

vuukle comment

DPWH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with