^

Bansa

3 sa 5 Pinoy naniniwalang itinago ng China ang info sa COVID-19 – SWS

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlo sa limang Pinoy ang naniniwalang itinago ng China ang impormasyon tungkol sa COVID-19 dahilan para magkasakit ng virus ang may 12.7 milyong katao sa buong mundo.

Batay sa July 2020 national mobile phone survey ng Social Weather Stations (SWS), 61 percent ng respondents ang malaki ang paniwala na itinago ng China ang buong impormasyon tungkol sa COVID-19 kasama na ang sanhi ng virus at bilang ng mga namatay sa China dahil sa virus.

Nasa 28% din ang malaki ang paniwala sa alegasyon, 33% ang naniniwala lamang sa akusasyon sa China, 23% ang hindi naniniwala at 15% ang walang pahayag.

Matatandaang Pebrero 2020, isang whistleblower na Chinese doctor ang naparusahan dahil sa pagkakalat ng balita tungkol sa novel coronavirus at sinasabing namatay dahil sa COVID.

Napaulat din noong April na ang COVID ay mula sa  Wuhan Institute of Virology pero sinabi ng director ng laboratoryo na imposible ito.

Sa survey naniniwala rin ang may 77% Pinoys na may pananagutan ang China dahil sa hindi pagsasabi ng impormasyon sa mundo tungkol sa virus, 15% ang hindi pabor na managot ang China at 7% ang walang desisyon.

vuukle comment

CHINA

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with