China binalewala ang 'suporta' ng US sa arbitral ruling pabor sa Pilipinas
Makikita sa January 2, 2017 aerial photo na ito ang military drills na isinasagawa ng Chinese Navy at aircraft carrier na Liaoning (C) sa South China Sea
AFP/STR
China binalewala ang 'suporta' ng US sa arbitral ruling pabor sa Pilipinas
James Relativo (Philstar.com) - July 14, 2020 - 12:57pm

MANILA, Philippines — Binanatan ng Tsina ang panibagong polisiya ng Estados Unidos sa South China Sea, bagay na "exaggeration" lang diumano ng tunay na sitwasyon sa rehiyong pinag-aagawan ng sari-saring bansa.

"On July 13, 2020, the US Department of State issued a statement that disregards the efforts of China and ASEAN countries for peace and stability in the South China Sea, deliberately distorts the facts and international law including the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), exaggerates the situation in the region and attempts to sow discord between China and other littoral countries," sabi ng Chinese Embassy sa Maynila, Martes.

"The accusation is completely unjustified. The Chinese side is firmly opposed to it."

Basahin: FULL TEXT: New US policy rejects most Chinese claims in South China Sea

Kahapon lang nang sabihin ni US Secretary of State Mark Pompeo "labag sa batas" ang pag-aangkin ng Beijing sa mga likas-yaman sa kalakhan ng South China Sea, lalo na't "nambu-bully" diumano ang Tsina para makontrol ito.

Ayon kay Pompeo, hindi bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) ng Tsina ang mga lugar gaya ng Scarborough Shoal at Spratly Islands, lalo na't napagdesisyunan na noong ika-12 ng Hulyo, 2016 na EEZ ito ng Maynila at nakalaloob sa kanilang continental shelf.

Linggo lang nang banggitin ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na "non-negotiable" at hindi maaaring ikompromiso ang unanimous award nito sa Pilipinas, kasabay ng ika-4 na anibersaryo ng ruling.

Sa kabila niyan, muling nagmatigas ang Tsina at sinabing inaayos nito ang mga alitan sa mga karatig na bansa habang tinitiyak ang integridad ng kanilang teritoryo.

"While firmly safeguarding its territorial sovereignty and maritime rights and interests, China has been committed to resolving disputes through negotiation and consultation with countries directly involved, managing differences through rules and mechanisms, and achieving win-win results through mutually beneficial cooperation," patuloy ng Chinese Embassy.

Mapayapa sa South China Sea?

Dagdag pa ng Tsina, "mapayapa" at umiigi naman diumano ang sitwasyon sa South China Sea, lugar kung saan naroon din ang West Philippine Sea.

Sinabi ito ng Beijing kahit napalubog at iniwan sa laot ng isang Hong Kong vessel ang FV Liberty 5 na may sakay na 14 Pilipino sa Minodoro noong ika-27 ng Hulyo. 

Isang taon na rin ang nakalilipas nang mangyari ang "Recto Bank" incident noong Hunyo 2019, bagay na wala pa ring hustisiya sa 22 mangingisdang Pinoy, ayon sa ilang fisherfolk group.

May kaugnayan: Isang taon matapos ang 'Recto Bank incident,' wala pa ring napapanagot — grupo

"Under the pretext of preserving stability, it is flexing muscles, stirring up tension and inciting confrontation in the region. Under the pretext of endorsing rules, it is using UNCLOS to attack China while refusing to ratify the Convention itself," dagdag pa ng Beijing.

"[I]t is recklessly infringing on other countries’ territorial sea and airspace and throwing its weight around in every sea of the world."

Totoong hindi bahagi ng UNCLOS ang Estados Unidos. Sa kabila niyan, kumakampi sila diumano sa mga kaalyado nila sa Southeast Asia, gaya ng Pilipinas, para "maprotektahan ang kanilang soberanyang karapatan sa offshore resources."

Binalaan naman ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) ang mga nais kumampi sa Estados Unidos o Tsina sa sitwasyong ito, at nanindigang kailangang tumayo ng Pilipinas sa sariling paa.

"The Filipino people desire peace and stability in the region, with neither imperialist power claiming dominance," wika ni Renato Reyes Jr. sa panayam ng PSN.

'Duterte sunud-sunuran sa Tsina'

Sa kabila ng lahat ng ito, sinabi naman ng Kilusang Mayo Uno (KMU) na dapat paigtingin ng bansa ang karapatan sa West Philippine Sea at huwag itong "ibenta" sa mga dayuhan.

Ilang taon nang nababatikos si Duterte hinggil sa kanyang "malambot" na posisyon sa banggaan sa Tsina, lalo na't malapit siya kay Chinese President Xi Jinping.

"He is supposed to uphold and protect our sovereignty from any intrusion of imperialist powers. Look at him, he’s feeding us to the Lion!" ani KMU national chairperson Elmer Labog.

"Duterte is retailing our national patrimony to China. We denounce his moonlighting as an ‘auctioneer’ of Philippine sovereignty!"

Nag-draft din ng sarili nilang pahayag ang KMU laban sa patuloy na panghihimasok ng Tsina sa mga katubigan ng bansa, sa dahilang "yellow-bellied" (duwag) diumano ang presidente.

Dati nang minaliit ni Duterte ang insidente sa Recto Bank, at tinawag itong "little maritime incident" noong 2019.

Bukod pa riyan, naninindigan si Duterte na "nais lang makipagkaibigan" ng Tsina, lalo na't binibigyan ng armas ng Beijing ang Pilipinas.

"Huwag kayong maniwala sa mga politiko na bobo, gusto papuntahin yung Navy. You do not send gray ships there. Banggaan lang ng barko ’yan (It’s just a collision of ships), do not make it worse," sambit ni Digong sa ika-121 anibersaryo ng Philippine Navy. — may mga ulat mula kay Patricia Lourdes Viray

BAGONG ALYANSANG MAKABAYAN CHINA CHINESE EMBASSY KILUSANG MAYO UNO RODRIGO DUTERTE SOUTH CHINA SEA UNITED STATES WEST PHILIPPINE SEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with