Nakita na umano sa nagdaang apat na buwan na maliit lang ang epekto sa pagpigil ng virus ng “shotgun approach”o ng mga malawakang lockdown.
Localized lockdown na lang
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 14, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pabor si Senate Minority Leader Franklin Drilon na dapat ipatupad ang localized lockdown o ang mga barangay lang na may mga kaso ng COVID-19 ang ipapasara para umusad ang ekonomiya.

Nakita na umano sa nagdaang apat na buwan na maliit lang ang epekto sa pagpigil ng virus ng “shotgun approach”o ng mga malawakang lockdown.

Giit ni Drilon na napaparalisa lang umano ang ekonomiya at libo-libo ang nawawalan ng trabaho.

Idinagdag pa ni Drilon na ang dapat ngayon ay rational approach sa pandemic o paraan na hindi masyadong paduduguin ang ekonomiya.

Maganda naman umano ang inisyatibo at pagsisikap ngayon ng mga lokal na pamahalaan para maagapan ang pagkalat ng virus at ito umano ang dapat suportahan ng national local government.

Nauna nang sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na maaaring isailalim ang Metro Manila sa modified community quarantine basta’t patuloy na ipapatupad ang mga localized lockdown mula sa Hulyo 15.

LOCKDOWN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with