80% payout sa 2nd tranche ng SAP target ipamahagi sa katapusan ng Hulyo
Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, ang pondo para dito ay hawak na nila pero hindi agad maipa­migay dahil masusing sinusuri ang talaan ng mga qualified beneficiaries na makikinabang sa programa matapos madoble ang natanggap na ayuda ng ibang beneficiary noong unang tranche kaya dapat bawiin ng LGU.
STAR/Walter Bollozos, file
80% payout sa 2nd tranche ng SAP target ipamahagi sa katapusan ng Hulyo
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - July 12, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Target ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary na maipamahagi ang may 80 percent ng ayuda ng pamahalaan para sa mga benepisyaryo ng ikalawang tranche ng Social Amelioration Program (SAP) hanggang sa katapusan ng Hulyo.

Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, ang pondo para dito ay hawak na nila pero hindi agad maipa­migay dahil masusing sinusuri ang talaan ng mga qualified beneficiaries na makikinabang sa programa matapos madoble ang natanggap na ayuda ng ibang beneficiary noong unang tranche kaya dapat bawiin ng LGU.

SInabi ni Bautista na nagsimula nang mamahagi ang DSWD sa ilang lugar sa National Capital Region sa pamamagitan ng online payment at ang ilang rehiyon ay kailangang gawin ng manual disbursement.

“Mabibigyan po ng ayuda ang mga nasa ECQ areas, pero ina­ayos po natin ang sa digital payment at magkakaroon din po ng ma­nual payout,” sabi pa ni Bautista.

May 12 milyon target beneficiaries mula sa low income families na nakatira sa ECQ ang mabibiyayaan ng programa.

DSWD SOCIAL AMELIORATION PROGRAM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with