Bicol International Airport tatapusin ng Duterte government ngayong 2020 â Salceda
Ayon kay Albay 2nd District Rep. Joey Salceda, ang paniniyak ay ginawa ng matataas na opisyal ng Department of Transportation (DOTr), nang inspekyunun nila ang proyekto kamakailan.
STAR/Boy Santos, file
Bicol International Airport tatapusin ng Duterte government ngayong 2020 – Salceda
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - July 12, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tiniyak ng admi­nistrasyong Duterte na tatapusin nito ngayong 2020 ang P4.8-bilyong Bicol International Airport (BIA) na isa sa malalaking proyekto ng pamahalaan upang ibangon ang bansa mula sa matinding epekto ng COVID-19.

Ayon kay Albay 2nd District Rep. Joey Salceda, ang paniniyak ay ginawa ng matataas na opisyal ng Department of Transportation (DOTr), nang inspekyunun nila ang proyekto kamakailan.

Sinabi ni Salceda na ang BIA ay bahagi ng malalaking proyekto sa ilalim ng ‘Build, Build, Build” Program ng gobyerno na inaasahang magiging mahalagang haligi ng ekonomiya ng bansa.

Isa ang ‘aviation industry’ sa mga pinalugmok ng pandemya at malaki ang maitutulong ng BIA upang ito’y makabangon. Si Salceda ang bumalangkas at masu­gid na nagtulak sa BIA na ayon sa DOTr ay ‘66.61 percent complete’ na.

Sinimulan noong 2005, naging masyadong mabagal ang trabaho sa BIA bagama’t bumilis ito ng kaunti noong 2009 ngunit patigil-tigil pa rin hanggang sa maupo si Pangulong Duterte.

Tiniyak din umano ng DOTr na naikasa na nila ang ‘24/7 work’ na pasisimulan agad para mapabilis at matapos ang BIA sa lalong mada­ling panahon.

Mga 2 milyong pasahero ang inaasahang gagamit sa BIA taun-taon at lalong pabibilisin nito ang pag-unlad hindi lamang ng Albay kundi ng buong Bikol at Timog Katagalugan.

BIA DOTR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with