^

Bansa

QC Mayor Joy Belmonte positibo sa COVID-19

James Relativo - Philstar.com
QC Mayor Joy Belmonte positibo sa COVID-19
Litrato ni Quezon City mayor Joy Belmonte habang nagtatalumpati kasama ang Quezon City Police District, ika-18 ng Marso, 2020
The STAR/Felicer Santos

MANILA, Philippines — Nakakitaan ng kinatatakutang coronavirus disease (COVID-19) ang alkalde ng Lungsod ng Quezon, pagbabahagi ng kanyang tanggapan, Miyerkules.

"Nais ko pong ipahayag sa lahat ng aking minamahal na QCitizens na ako po ay nag-positibo sa aking huling COVID-19 test," sabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.

"Nagpapasalamat po ako na agad itong natuklasan."

Pahayag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte Nais ko pong ipahayag sa lahat ng aking minamahal na QCitizens na ako po ay...

Posted by Quezon City Government on Tuesday, July 7, 2020

Maayos naman daw ang kanyang kalagayan sa ngayon at walang "nararamdamang anumang sintomas."

Dumadalaw-dalaw ang mayora sa mga health center, ospital, special concern lockdown areas at mga komunidad kung kaya't batid naman daw ni Belmonte na posible siyang mahawaan ng nakamamatay na virus.

Sa kabila nito, kanyang tiniyak na magpapatuloy pa rin ang mga serbisyo ng siyudad habang sumasailalim siya sa quarantine.

"Mahigpit ko pong sinusundan lahat ng quarantine protocols ng ating Department of Health at sinimulan na din po ng QC Epidemiology and Surveillance Units (QC-ESU) ang contact tracing procedures," kanyang pagpapatuloy.

"Bukod dito, isinara [rin] pansamantala ang aking tanggapan para ma-disinfect ito kasama ang common areas ng City Hall."

Nangyari ang lahat ng ito kahit na sumailalim siya sa ibayong pag-iingat, pagsusuot ng facemask, paghuhugas ng kamay at physical distancing.

Martes nang umabot sa 47,873 ang nadadali ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa talaan ng DOH. Sa bilang na 'yan, 1,309 na ang nasasawi.

--

Disclosure: Si Quezon City Mayor Joy Belmonte ay shareholder ng Philstar Global Corp., na nagpapatakbo ng digital news outlet Pilipino Star Ngayon. Ang artikulong ito ay nilathala batay sa editorial guidelines.

vuukle comment

JOY BELMONTE

NOVEL CORONAVIRUS

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with