Ayon kay Dr. Edsel Salvana, Director ng Institute of Molecular Bio­logy and Biotechnology ng National Institutes of Health sa UP-Manila, nagkaroon ng mutation sa D614G mula sa dating D614 virus genome na mas mataas ang antas na makahawa ngunit wala pang ebidensya kung mas nakamamatay ito.
Photo by STR / AFP
COVID-19 mas nakakahawa ngayon
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mas nakakahawa na umano ngayon ang COVID-19 dahil sa naganap na mutation nito kung saan tatlo hanggang siyam na beses itong maaaring maka-infect ng tao.

Ayon kay Dr. Edsel Salvana, Director ng Institute of Molecular Bio­logy and Biotechnology ng National Institutes of Health sa UP-Manila, nagkaroon ng mutation sa D614G mula sa dating D614 virus genome na mas mataas ang antas na makahawa ngunit wala pang ebidensya kung mas nakamamatay ito.

“The D614G mutation makes the virus more infectious (mas nakakahawa). There is no evidence it makes it more deadly or virulent (mas nakakamatay),” ayon kay Salvana.

Ito rin ang resulta ng pag-aaral ng Los Alamos National Laboratory na nagsabi na nagkaroon ng maliit ngunit epektibong pagbabago sa Spike (S) protein ng virus.

Dahil dito, iginiit ni Salvana na kailangan na doblehin pa ng pamahalaan ang pagpapalakas sa healthcare system para makayanan ang posibleng pagtaas sa numero ng mga nagkakasakit.

Samantala, masusing binabantayan ng Department of Health (DOH) ang anim na lugar na nakitaan ng malaking pagtaas sa kaso ng virus. 

Kabilang dito ang Cebu City, Cebu province, mga lungsod ng Mandaue at Lapu-Lapu sa Cebu, Quezon City at Maynila.

Sa kabila nito, iginiit ni Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nananatiling nasa 7.7 araw ang ‘doubling time rate’ ng virus habang nasa 60 porsyento ng critical care facilities ng pamahalaan ang okupado.

Umakyat naman sa 3,486 ang health workers na dinapuan ng virus, 2,685 ang gumaling at 34 ang nasawi.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with