Anti-Terror Bill nasa final review na – Malacañang

“Wala na po sa lamesa ng Deputy Executive Secretary for Legal Affairs. Nailipat na po iyan sa tanggapan ni Executive Secretary for final review,” ani Presidential Spokersperson Harry Roque.
The STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Presidential Spokersperson Harry Roque na nasa final review na ang Anti-Terror Bill.

Mula sa tanggapan ng Deputy Executive Secretary for Legal Affairs, ipinasa ang panukalang batas sa tanggapan ng Executive Secretary para sa pinal na review.

“Wala na po sa lamesa ng Deputy Executive Secretary for Legal Affairs. Nailipat na po iyan sa tanggapan ni Executive Secretary for final review,” ani Roque.

Nangangahulugan aniya na mayroon ng memorandum na nagre-rekomenda kung ano ang gagawing aksiyon ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte pero aaprubahan pa ng Executive Secretary.

Sa Hulyo 9 nakatakdang mag-lapse o matapos ang palugit at awtomatikong magiging batas ang panukala kahit hindi pirmahan ng Pangulo.

Related video:

Show comments