^

Bansa

ABS-CBN walang atraso sa BIR at PEZA

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
ABS-CBN walang atraso sa BIR at PEZA
Ito ang inihayag ni Albino Galanza, regional director ng BIR sa ginanap na joint hearing ng Kamara nitong Miyerkules (Hulyo 1) na tama naman ang buwis na binabayaran ng ABS-CBN.
STAR/Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Nilinaw ng mga opisyal ng Bureau of Internal Re-venue (BIR) at Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na walang subsi-diaries na ginamit ang ABS-CBN bilang “tax shield.”

Ito ang inihayag ni Albino Galanza, regional director ng BIR sa ginanap na joint hearing ng Kamara nitong Miyerkules (Hulyo 1) na tama naman ang buwis na binabayaran ng ABS-CBN.

“As far as tax payments... by Big Dipper, i think they are paying more or less correctly their taxes,” ani Galanza.

Partikular na tinukoy ni Galanza ang Big Dipper Digital Content and Design, isang digital archiving firm na pag-aari ng ABS-CBN at nakarehistro sa Philippine Economic Zone Authority (Peza).

Ang paglilinaw ay ginawa makaraang sabihin ni Deputy Speaker Rodante Marcoleta na ginagamit ng ABS-CBN ang Big Dipper bilang tax shield na naging daan upang bumaba sa negative 5 percent tax rate nito noong 2018.

Subalit, base sa records ang tax rate ng ABS-CBN sa nasabing taon ay nasa 4 percent.

Gayundin, bilang sagot sa tanong ni Rep. Alfredo Garbin na ginamit ng ABS-CBN ang Big Dipper upang makaiwas sa pagbabayad ng buwis.

Ani Galanza, walang anumang findings ginamit ang Big Dipper para wa-lang buwis na babayaran.

Katunayan, sinabi pa ni Galanza na umabot sa mahigit P1.15 bilyon ang buwis na binayaran ng Big Dipper mula 2016 hanggang 2019.

Agad naman itong kinumpirma ni ABS-CBN Group chief financial officer Ricardo Tan sa isinasagawang joint committee hearing.

“Big Dipper is not a tax avoidance scheme,” giit ni Tan. “It’s in a different line of business, as we’ve mentioned. It’s an IT-enabled firm that does specific services for ABS and for other companies, so that we can bring our content to the market here and abroad,” paglilinaw pa ni Tan.

Sinegundahan din ito ni PEZA Director-General Charito Plaza na kung saan ay iginiit sa pagdinig na walang tax shield na ibinibigay sa PEZA-re-gistered firm gaya ng Big Dipper.

Binigyang diin pa ni Plaza sa mga mambabatas, ang Big Dipper ay nagbabayad ng tax rate na 5 percent simula pa noong 2015 matapos ang anim na taong income tax holiday na ipinagkaloob sa Peza-registered firms bilang pioneer locator.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with